Isisigaw nang pasukdol ang pangalan-hirang Lalaya na kasabay ng paglisan Dadalhin ang mga kinikimkim Mahapding man parating bukambibig Sumisingaw nang matamis
Kahapong ligaya ngayon lumiligalig Nalimbag ang pangyayaring ayaw mawaglit Sana masaya sa piling ng iba Kahit naririto na inaalala pa
May saliw ang bawat salita nang ginugunita ang yaong nakalipas na Tukso ba na para kabigin Bakit parang bitag na inihain Sana'y habso ang pagkakabigkis
Sa paghayo tungo sa paraiso Iiwan nang may pagkabahala Sana sa eklipse na magaganap Mag iiba ang daan bukas At di muna aalis pa
Hihintayin sa pintuan ng wakas Kung saan ang mga bagay bagay ay may kanya kanyang lunas Kung nararamdaman ay di na maibsan Tatanggapin nang pagkagiliw Kahit ililibing nang di naagnas