Kung oras ay magwawakas Sa langit ang hihintin Saranggola ay dadalhin Na yari sa buntunan ng paninimdim
Sapagkat ang landas Ay piniling tinahak Wala man harang ngunit dulot ay sakit Pagtitiis ng kirot ay sinapit
Sana'y maging panaginip ang katapusan At matutupad ang pahimakas Tulad ng hangaring sibat Tumusok sa tudlaan
Ang Amihan ang maglalagay sa himlayan ng hangin Di na pumailanlang sapagkat malamig ng samyo ng nalalantang pag-irog
Sa gunamgunam ay binabalik balikan ang sandali nang unang pagtubo ng bulaklak Sapantaha'y mabibigo rin naman Pananabik nang marubdob ay nasawata nang biglaan