Tigilan na ang pagluha, Wag sirain ang bagay na binuo mo, Sa tagal mo nang humahara sa pagsubok, Ni isa walang nakapagpabuwal sayo.
Madami ka ng naidilig sa lupa, Ilang bulaklak na ang iyong napatubo? Gamit ang iyong mga kamay, Ang mga bubot ay nagmistulang mga rosas.
Hindi mapagkakailang mahapdi at masakit, Ang ang bulaklak sa iyong hardin, Hindi ka na makalapit, Pero tandaan maari pa siyang pagmasdan Kahit malayo, iyong alalayan.
Ngunit darating ang panahon, Puso’y maghihilom, Tatagan lamang ang dibdib, Saluhin ang sarili gamit ang sariling bisig.
Kakayanin mo ito, Wag ka pagagapi, Kaya tahan na, Wag hayaang, Ang mga multong ginawa sa para sarili, Makapasok sa tahanan pa.