Hayaan na na giliwin kita Sapagkat hihintin sa hangin ang lahat At pumailanlang hanggang sa panganorin ang pangarap Walang saysay ang ibon kung nasa pugad
Tumunghay sa pakpak na gulay-gulay Sa pagwasiwas ay di kaya umangat Munting maya sa aratiles ay kahabag habag nang di makalipad
Ganyan ang aking pagsinta O Desiree Dawn Dela Peña musmusin at nasisikil Huwag sana husgahan Sinsisipon sa hamog Madaling manimdim
Iibig ako sa sariling paraan Ngunit di gaya ng kaparangan na nakatiwangwang at hayag Kung ikumpara ay katulad ng liblib na halamanan Mabubuhay nang saglit at mamatay nang dahil walang nakakalusot ni banaag
At kung masidhi na ang damdamin Magpaparinig ng aking hinanakit Gaya ng kulog na nauulinigan sa ibayo Umaalingawngaw doon sa ibang baryo