At sisimulan sa pag ani ng mga ala ala Magtatagpo sana sa dalampasigan kung saan dumadampi ang mahalumigmig na hangin Dapuwa hindi giginawin
Nakatalukbong ang isang binibini Mga kanyang salita'y tumaktak sa wari Sapagkat hindi maisabi O hirang hindi kailanman naging makasarili Ang pag ibig minsan kailangan bumaba ang Hari
At ganap na hari sa luklukan Walang makapagpapatalsik ni anumang may buhay Wala rin isinilang sa mundong ibabaw ang makapagpahabag
Ngunit ito ba'y kahantungan ng lahat Ang pinalad na maging reyna ibang palasyo binagtas Magdiwang na ang lahat Ano ba ang magagawa sa Maharlikang angkan
Ngayon ay tumatanda kasabay ng panahon At naging kadena ang mga matamis na kahapon Ang samyo ng bukid ay parang usok na sanhi ng pagkahika't hapo