Ilang ulan pa sa langit Ang magwiwisik sa tumana At para tumubo ang mga ipinunla na harana Sa isip aawitin upang dudungawin ng sinta
Mahal na prinsesa Nakakawili kahit ang aparisyon Umaantala sa paglakad Dahilan para lumingon Kahit matisod, sapat na ang lugod
Anong saya ang mabuhay na malaya Ngunit kung papipiliin Kalayaan o ang prinsesa Magmistulan man na alipin Walang kaparis pa rin ang ligaya
Ang nakalugay na buhok Tila malambot kung salatin Ang ngiting nagpapaindayog sa ulap at bituin Ang kalawakan ay makipot Kung ikumpara sa ibinungang panghuhumaling
Sa malabnaw na mata Ay mananalamin Kawangki ng perlas ng Pilipinas Sadyang matimyas ang pagkayumi Kalikasan na lihim