Minsan pang kita'y inalo sa dusa mo't kalbaryo "tumakas kaya tayo.. dito.. dito.. sa magulong mundo" Sabi mo. (at tumakas ka nga.. patungong karimlan)
Hinahayaan ang mga paa'y humakbang.. na sundan yaong mga iniwang bakas nitong mga aninong nagpumiglas At nilamon na tayo ng kawalan. (at hindi.. hindi ito ang alapaap)
Ngunit gigising parin tayo..sa reyalidad.. sa buhay.. at sa tunay na anyo ng mundo "Hindi ba dapat ikaw mismo ang magbago nito, na sa halip ay ikaw ang binago ng mundo?"