Kahit na ano pang isipin ng lahat tungkol sa ating dalawa Pangako ko sayo na hinding-hindi na magbabago pa Ang natural na pag-ibig na nakatanim dito, oo dito Pag-ibig na nagbibigay lakas sakin at sa buong pagkatao ko
Natatandaan mo ba? Lahat nang pagsuyo na aking ginawa Lahat nang binigay sayo'y ginusto ko at ninais ng kusa Hindi man ako tulad ng iba na may maipagmamalaki talaga Pinilit ko pa ding maki-ayon at kayanin para makasama ka
Kung ano man ang nais na hilingin Handa akong ito'y tanggapin Kahit na magpakatanga sa lahat, Ng pagkakatao'y aking gagawin
Kasi mahal kita, oo totoo na mahal kita Totoong lahat ng ito para sayo, noon pa Handa naman akong maghintay sa isang tabi Hanggang sa dumating ang araw na handa kana binibini
Ikaw ang tanging lakas Sandalang walang wagas Para bang ako'y tinamaan ni kupido Ang puso ko ay lagi ng ganado
Isipin man na ako ay nambobola Isipin man lahat ng 'to sa umpisa Isipin man na agad mabalewala Isipin man na maloko sa salita
Hindi ko gagawin ang panloloko Na ginawa sayo't pang-uuto Mananatili lang akong nakagabay sayo Handang pasanin pati lahat ng problema mo
Laging nakatitig sa maganda **** mga mata Lahat ng pagod ay agad na nawawala May mga bagay na madalas kuntento na Pag nakikita ang iyong ngiti, na nakatutuwa
Patawad kung madalas ako'y madikit sayo Patawad kung masyado akong makulit sayo Pasensya na kung ganito ang nararamdaman ko Masyadong halata, masyadong mainip kung magmahal ako
Salamat kahit wala kang ginagawa, Dahil presensiya mo lang sa aki'y sapat na Salamat sa pagtanggap at hindi pagtaboy sa akin Salamat sa maliligayang sandali na palagi kong gugunitain
Nagdadalawang isip ka pa ba? Seryoso ako, mahal na mahal kita Hindi naman ako nagmamadali, alam kong nariyan ka Mahal kita, at iyon ang isinasaad ng aking tula.