Sa kumpas ng mga kamay Yaong mapapanood Hihinto ang oras Kasabay ng delubyo Tila nasa sentro ng mata ng bagyo
Tangan ang manika na pinatakan ng dugo Isinuob at ang usok na umilanglang ay nakakahilo
Malapit na maghating gabi Habang namumula ang buwan Isang salita na lng isasambit iyon Ay ang pangalan Maghahari ang sumpa na di Maglulubay
Ngunit sa kahu-huling minuto Ay ang sandali Nang pagkamulat sa kapakanan ng minamahal At di sa pansariling pagkagusto at pag mamay-ari Kapatawaran sa Diyos ay inihiling
Nang biglang may kulog at kidlat Kasabay ng malakas na hangin Parang may nagalit Gamunggong patak ng ulan sa pisngi Tila may mabigat na pasanin