Sa ilalim ng langit Takipsilim ay naglulundo sa katapusan Kung saan ang langit lumulutang sa dagat At ang buwan ay unti-unting nanalamin
Ang dulo ng punyal Sa punyos ay ikukudlit Ang patak ng dugo Ay magkukulay, sa bawat salitang isasambit Mangyayari ang dinadasal
Ang bulong ay ang nakakabinging lintik Na maguguhit sa kalangitan Ngunit hindi uulan Lupa'y mabibiyak Manginginig ang mga bato
Naniningas na sulat Katagang itinuturing katotohanan Katuparan ang bawat letra Ang kahulugan nito'y hindi malulupi
Lahat ay makapangyarihan Kahit nakakubli man sa kadiliman Isang hiwagang bumabalot Sa sandaling hiram Sa sugat ay kukuha ng lakas na maglulupig sa liwanag