Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang ating kwento. Hindi ko din alam kung kaya ko bang ikwento. Pero eto ako kahit ayaw ko sige pa din sa pagsulat, inilalabas lahat nang nakatagong kwento, mga alaala mga pagkakataon na pilit kinakalimutan ng utak pero ayaw lumimot ng puso. Ganun na lang ba palagi? Tila lagi na lang nagtatalo yung puso at isip pagdating sayo? Ang swerte mo naman puso’t utak ko gumugulo pero ako ba sa’yo ay ano? Tatlong taon. Tatlong taon na ginugulo ng pangalan mo ang mundo ko. Na tila ba parang ayaw kang bitawan ng sistema ko. Siguro ay dahil nasanay na ako. Ano pa bang magagawa ko? Eto talaga yung totoong nararamdaman ko. Pero ano? Tatlong taon din na binabalewala mo. Baliw na yata ako. Ayaw ko na. Pagod na ako. Dahan dahanin ko na yung paglayo ko sayo. Oo. Lalayo ako at pipilitin kong umahon mula sayo. Ang pagmamahal kong ‘to nagpapalubog sa sarili ko. Kailangan kong bumangon at sa pagkakataong ito hindi na ako iiyak. At kailanman hindi na bibisitahin ang mga alaala mo. Tama na. Sa pagkakataong ito ay ako naman. Papahalagahan ko na yung sarili ko na sinayang ng ilang taon sayo. Babawiin yung mga luha sa pamamagitan ng pagngiti sa paparating na mga araw na ito. At unti unting kakalimutan ang pag ibig na binasura mo. Mahirap sa simula. Pero pipilitin ko. Lahat ng puyat ko sayo babawiin ko sa pagtulog sa darating na mga gabing din ito. Eto na yung huli. Eto na din ang bagong simula. Nang bagong ako.