Sa tag-init ay nagdidikdik ng asin Sa tag-ulan ay kakainin ang bunga ng pananim Ano ito ang nakatagong sakit na ipinunla ng mga luha
Dahil sa hindi masabi sabi ang sinta kaya ba na muntik na gawin ang pangkukulam kay Dessa Kasalanan na kaagad may parusa Lumalalim na ang tampo sa kanya
Pagsuyo na pinag iingat-ingatan ay punyal na nakatarak sa puso't isipan Mas mabuti kung nakakalimutan Ngunit sumpang ala-ala na bumabalik hindi nagtatahan
At kapag lasing na ay nagiging madaldal Mahangin ang wika, sa kataas - taasan ay umaapaw Kung mananahimik ay parang nakakulong sa bahagi ng mundo
Sa prusisyon ay hindi maglalakad Ang luhang dumausdos sa pisngi ay wala ng makababakas pa kahit patak man ng natutunaw na kandila