Naaawa ako saiyo, Binibini Karumaldumal ang pamamaslang na iyong sinapit Luha mo’y nagpaparamdam ng hapdi sa pag tulo nito sa iyong mga pisngi.
Ginahasa ka ng sarili **** pinuno Minulestya ka at pinagsamantalahan Ibinenta ka sa banyaga na parang isang bayaring babaeng matatagpuan mo sa daan.
Ninakawan ka ng sarili **** tagapaglingkod Binigyan mo na ng palay at lupain Ngunit ang hindi na para sakanila’y nagawa pang angkinin.
Pamilya mo’y nagawa kang saksakin sa iyong likod Sa kanilang pananahimik at hindi pagkinig Sigaw **** “tulong”, sa lakas ika’y nawawalan na ng tinig; at Sa pananatili nilang pagpikit sa mga karumaldumal na katotohanang sa harapan nila’y nakahain.
Ipagpaumanhin mo ang mamamayan mo, Binibini Tao mo’y masyadong nasilaw sa kayamanang iyong binahagi Pasensya ka na at sila ay naging makasarili Hindi nila inisip ang dulot nilang hinagpis.
Binibini, Sa kahit anong gamot ang iyong ipahid sa mga sugat **** natamo Malinaw na hustisya ang sigaw ng puso at isipan mo Hustisyang malabo mo nang maabot Sapagkat tunay kang hindi inibig ng tao Kundi ginawa ka lang instrumento sa pagkamit ng kanilang makasariling plano.