Pupungas-pungas pa Nasisilawan sa munting sinag Di-makagulapay ang mga binti Daig pa ang nakaratay na may sakit
Sa bawat umaga ay di pagkagaling Tumighaw sana kahit na ang lumbay Kung sa huni ng mga ibon ay naaaliw makakagising nang may sigla at panibagong ginhawa
Ngunit nang minsan ang kaginhawaan ay nalasap nanguluntoy ang pangarap Sa tanghali na matindi ang bugso ng init naranasan ang pagkapagod sa bukid
Hahayaan para sa kapakanan niya na ang higad makisama sa mga paruparo na magiging siya Huwag na dumapo sa dahon na nagpakain noon datapwat tumungo sa bulaklak ng palasyo
Pigilan ang tibok Kahit parang buhos ng tubig sa talon Ang ikamamatay ay siyang ikalulugod Sapagkat sa kasaysayan ay napapako, pinaparusahan ng panghihinayang