Sa huling sandali na nag-aagaw hininga Ang kaibigan kong hirap sa paghinga Pilit na nagsalita sa aking tainga "Paalam kaibigan ako na'y magpapahinga"
Butas ay pilit kong tinatakpan Ngunit malubha ang kanyang tagiliran At sa bawat sandaling hindi mapigilan Kaibigan ko'y unti-unting binabawian
Nagpalinga-linga walang mahingian Sigaw ay tulong pakiusap ko naman! Nagbadyang tumayo ngunit kanyang pinigilan Ako'y hihingi ng tulong. "Sandali, manatili ka na lang"
Pag dilat ng mata ay aking nasaksihan Kaibigan ko'y nakahimlay na duguan Lalaki'y kumaripas sa kawalan At kami'y naiwan sa gitna ng daan
Sa kanto kami ay napadaan Siyay bahagyang nasa aking unahan Isang lalaking tumatakbo mula sa likuran Sa isang iglap nalaho ang aking kamalayan