Matapos ang bawat kanta ng aming pwedeng kantahin Dasal na alay para sa mga taong may ilaw na bilog sakanilang ulo
Hihinga ako ng malalim Ngunit di maaalis ng aking paghinga ang kaba at takot sa aking dibdib
Tubig at bolpen lang laman ng aking bag Sa pagdarasal Alam kong hindi sapat ito para ako’y manatili sa aking kinalalagyan
At tulad ng aking dalangin Naghihintay ang aking ina sa ibaba Sa kanyang puso at mata Dama ko ang kanyang pagmamakaawa
“Bigyan niyo po kami ng awa”
“Maawa po kayo”
Rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo, rosaryo Rosaryo sa Huwebes Rosaryo na aming kailangan sabihin sa wikang ingles
Siguro sa aking pagdarasal ng rosaryo ng malakas Ay maawa sila saamin Masakit man ang tuhod sa pagluhod Hindi pa rin nito maalis ang takot at kaba sa aking puso
“Alam ko pong hindi sapat ang aming dala”
Ang Ikalimang Misteryo ng aking pagmamakaawa
“Pero sigurado po na ako’y may alam”
Naghihintay ang aking ina sa ibaba Nananalangin na sana’y hindi niya ako isama sa kanyang pag-uwi
Matapos man ang mga Misteryo ng Rosaryo Alam kong hindi pa tapos ang aking kalbaryo Dahil ilang minuto na lang alam kong tatawagin na aking pangalan
“Maawa po kayo”
. . . . . .
Hindi maaalis ng lamig ang pagpawis ng aking mga kamay ng buksan ko ang pinto At sa ibaba, nakita ko agad ang aking ina
Itinaas ko ang aking kamay Sabay ng kanyang pagngiti
Ako’y mananatili Hindi na niya kailangang mag-alala Magsisimula na ang aming pagsusulit At kailangan kong pumasok na