Isugpong ang lupa't langit Lumaon na pagsuyo'y naaanod Sa kanluran ay naninikluhod na sana maging malubay ang kasikipan ng loob
Ipagkaila sa tapat ng altar Tumanda na naangkin ay di ibibigay Di sadya man mamutawi sa labi ng mga kaibigan Mag salangsang sa pag-ibig at nang humanggan
Sa wakas ay kusang mabubuhay Sa walang panahon o oras Ihuhubog ang mundo na tumila Gaya ng dasal ng patay sa kalawakan
Ipagkaloob ang kasarinlan sa marubdob na kinikilos ng itong kaluluwa Mahiwalay sa katawang tao At ang karunungan ang siyang magpapalakad sa gawa ng Maylikha
Sapagkat natumbok ng hirang ang budhi Hindi na kaya maitakwil Mismo ang kanyang kamay tumarak ng salapang Sinugat ang kaluluwa - inalila ng kanyang pagnanasa