Minsan makakatagpo ka ng taong una pa lang click na kayo Yung trip mo trip din nya Kapag nagjoke ka ng corny tatawa pa din sya Yung tipong ang gaan lang 'pag kausap mo sya
Ang sarap sa pakiramdam na di kailangang magpasikat o gumawa ng image na ipapattern mo sa magugustuhan nya Yung kung ano at sino ka, yun lang ang ipapakita Walang itatago kasi wala din namang huhusga
Buti na lang pareho tayo ng dinaanan Nagkasabay sa pagtambay Sa mga simpleng kwentuhan alam ko nakatagpo ako sa iyo ng tunay na kaibigan.