Luha ng dahon , Isinilid sa Kahon Init ng nayon , Malamig na Kahapon Sarili ay Bumangon , Kalungkuta'y aahon Pag yao'y hinamon , Lumuha ang Panahon
Ang pag-iyak ng mga dahon sa bukang-liwayway Pinawi ng init ng araw ang iyong mga kamay At Naglaho sa dapithapon , muling matamlay, Nag-iwan ng marka sa takipsilim ako'y namatay
Umiiyak Taon-taon,Pighati Ang Baon Pagkalumbay ko , kinukuwestiyon Sumabog nanaman ang Mayon Sa loob ng utak kong naghahamon