Itinudla sa puso ang palaso kung tumatagos at nagdurugo maaaring ito'y kapalaran na umaabay sa delubyo
Tunay na paggiliw ang siyang magdudulot, magpuspos sa talaarawan ng saya't sigla sa likod ng kapighatian
Sa silakbo ng pag-ibig ang nararamdamang umiinit Hindi marahan Masyadong mabagsik
Kung gayon iba na ang ipinapahiwatig Tawag ng laman ay ang kalibugan at ito'y di kailanman maihahambing sa puso ng Pebrero na walang iba na mag-aangkin
Mayroon na ang sinta ay itinatangi halos ang larawan sambahin sa araw at gabi nangabusog na sa dasalin
Mas mabuti pa ang ganda na pangkaraniwan ang uri May kapintasan man ginusto pa rin at inibig
Ang nabigo't nasadlak sa lumo Nang muli kumabig ay mas lalong naging matamis ang mga pagngiti