Kunting pagdilat ng kanyang mga mata na di-gaano masingkit ay ginagahis ang hita't bisig - yumuyukod Pagsisilbihan ang prinsesa Tapat na kawal na di sadyang napa-ibig na
Sa pook na madalang dalawin ng banaag ay nanimpuho Malago ang mga paragis Nang mga ulap ay bumababa na parang sumasimpatiya Nahahagkan ang mukha
Kulang sa init at lamig Walang lasa ang inihaing pag-ibig na di tumagal sa panlasa Paano lubusan na ipangangahulugan kung di nakaranas ng karinyo ng dalaga
Nangatuyo na ang mga uhay sa tumana habang sinusulyapan ang kasaysayan Kahit lipos ng balbas ay ngingiti pa
Kahit ilang ulit pa ilalarawan ang anyo na singganda ng mga likas na yaman Sa hubog na baywang balingkinitang katawan ay di magsasawa Nagsusumamo ang puso sa kalangitan