Na minsan ang mga puso'y nagpalikawlikaw Ginugunita ang dating panahon Ang dapyo sa pisngi ng makapanlulumay niyang tinig
Paano makukuha kung hindi ibibigay At ibibigay kung hindi naman hinihingi Kahit di man hingin basta tuwiran lang maipatalastas ang nadarama na umilandang na lingid sa kanyang mga mata
Nakatungo ang ulo Hanap-hanap ang tumilapong pag-irog na nangabusog sa pagtingin-tingin Mabilis kapag sa biro akayin at sa pag-uusap na naglulubid ng buhangin
Napigta ng panghihinayang Tila sa salmuwera'y babad Nanatili sa pangangalaga ng kaalatan naka-imbak para sa kanya subalit wala ng kabuluhan
Taganas tulad ng kalikasan Ang yumi'y pasukdol nang sumikat Walang anuman ang bumahid Sa kutis niyang malinaw nababanaag ang luntiang ugat