Kitang-kita ang iyong mga ngiti Malabo na ipakilala ko ang aking sarili Ako’y ni hindi man lang makapapantay sa kung ano ka Sa mata ng marami ika’y kakaiba Saaki’y napakasimple **** tao Dumaan saaking buhay at ako’y napatitig sayo Alam kong isa kang liwanag sa gabi Kay’hirap mapalapit sa tulad kong dyan lang sa tabi-tabi
Lihim na binabasa ka Ngunit kailanma’y hindi makakapagsalita Marahil hindi mo alam na ikaw ito Ngumiti ka nga riyan ng ako’y mahanap mo Hindi na mahalaga na iyong maramdaman Sa isipan at salita ika’y nilalaman Simpleng hangin mula sa iyong paggalaw Bawat bagay saiyo’y sadyang aking pinipilit matanaw
Minsan sa gabi’y napapaisip Buhay ko ba’y nais **** masilip Isa ka sa kulay ng aking bahaghari Baka nais mo akong makilala kung sakali Subalit ang tulad ko’y tahimik lamang Masaya at kumpleto na makita ka lang Pag-aalala ko sa tuwing ika’y nasasaktan Hiling huminto sa pag-iyak at ika’y pupuntahan
Tuwing pakiramdam mo’y ika’y walang halaga Huwag kang humiling pa ng iba Saaki’y isa kang mahalagang parte ng isang tula Ikaw ang inspirasyon sa bawat isip ng gumagawa Iniingatan sa bawat oras upang mapanatili sa isip Kahit sa mga mahiwagang salita man lang ika’y mapalapit Sa ulap boses mo ang liwanag Malamig at malambing na tinig ay syang paliwanag
Ika’y hinahangaan sa simpleng bagay Maaring marami nito sa iyong buhay Hanggang sa ako’y mapaupo na sa aking upuan Iniisip ang isang tao na labis kong hinahangaan Sana’y huwag kang saktan ng mga taong nakapaligid Utak kong minsa’y kumikitid Bawat paghinga mo saaking isip ay nagpapalawak Ikaw ma’y bumagsak, ligtas ka dahil ako’y handang humawak Imposible mang kamay mo ay maparito saakin Makaramdam man ng kakaiba, handa kitang mahalin