Ang matamis na lunggati Debosyon sa dapithapon Ang pagkurap ng liwanag naΒ Β kuyad-kuyad ay sinapupo ang emosyon
Sa paglakad ng relo - bilog na mayroong guhit ng oras Gabing panaginip ay umimbulog Sa malamayang tanawin Naka sambalilo nang nanood
Nang natawid ang gabi't araw Nasilayan ang bagong buhay Regalo ng Panginoon Sa bintana hinintay ang muling pag-ahon ng ilaw
Sa pagtutungka na parang lango Wari'y gumapang sa kalawakan Pagawpaw ng pangarap Di maabot kahit sa panaginip man lang Nakasalubong si Dessa ngunit kagyat nang lumisan
Ang kanyang mabuhaghag na buhok humahaba nang malubay, medyo pakulot Naniniwala kahit sa kalagimlagim na sandali Na ang mga nakaraan ay maalala muli