Paghinga'y humihina at ang pagngiti ay may kasama ng luha Ang pagsinta'y kinaiinggitan ng langit bagaman hindi mapalad
Pagdurugo'y ayaw na tumigil Ang kapanglawan sa loob ay naghari Nanirahan sa anino ng bukid - sa dilim Nag-alala sa di humuhugpong tulay
Sinlamig ng nyebe sa taglamig Sa kaginawan nagiging yelo ang tubig At ang temperatura'y bumababa pa sa sero Gaya ng pagpanaog ng bahaghari sa magkabilang dulo
Tulad ng malinaw na batis at ng talon na masiyahin nag-uugnay sa damdamin - pag-ibig na hindi kailanman naangkin at naalagaan para bumalong
Nang ito'y hindi na maitiklop upang maisilid sa mumunting lalagyan, humihibik sa tuwing gabi Ang inuusal ay mahal na lakambini limang sintido'y binihag