Nahahabag sa sinta Tulad ng dapit-hapon, ang araw ay papalubog na Ang pangkukulam ay hindi magagawa Diyos na dakila na ang bahala
Sa bagong paraiso'y maninirahan kung saan ang bundok ay hinahampas ng alon ng dagat Ang kalungkutan ay malumanay nang sinasakbibi ng puso na dinuruan ng pag-ibig
Kung sakaling mapunta sa dating tahanan Ang Liham sana'y mahanap Sapagkat sa mga naisulat naipapakita na nasa puso't diwa si Dessa lang ang nilalaman
Ang pag-ibig ay buhay at ang mga buhay ay nangagsipanaw Kung gayun ang pag-ibig ay nangagsipanaw na din gaya ng buhay ng takipsilim