Pagkat isang malaking duwag, hindi umaamin at nagpapaliwanag May pagkulog at pagkidlat sa isang oras Di nasabi ang katotohanan Paano pa kaya ipaglaban
Ang kasalanang pampag-ibig ay habambuhay dadalhin Tulad ng lumalagos na liwanag sa salamin Uyayi para sa puso na maghihimbing sa kawalan Dalawang paru-parong itim ay naintindihan - ang namayapang ama at pagsinta
Nang kinabukasan nasilayan pa ang bituin na nagpuyat sa kadiliman Ang susunod na silahis ay iba na ang ipapahiwatig
Nagtungo sa bundok ng Maida-as Nagtawid ng ilog at kaparangan Nasunog ang talahib na dinaanan Sa yungib gaganapin ang totoong anyo ng kasalanan Maging karahasan ay pumipigil sa mga hakbang
Doon nagtapos ang talambuhay - talampag-ibig Sa kapasyahan na ang dilim ay siyang maghari Ang pagkukulam ay balak isagawa Sa kalauna'y di itinuloy