Isang araw na nang naulila ay hindi lumalabas ng kwarto Sa kulungan pinagdudusahan ang kasalanan - ang mahuli sa pagkagising at nang hindi nabantayan hanggang sa pagtilaok ng mga manok para matiyak ang kaligtasan
Nagdalamhati ang nagtipon sa misa ng patay Tuyong lupa ay nadiligan ng luha nang ibinaba ang kabaong sa ibinungkal na lupa Ibinaon ang pagdaramdam pati ang pagsisi sa kasarilihan
Huling mga salita ay sariwa pa sa pandinig "Agosto, buwan na madalas dalawin ng bagyo" Ang papel na kinuha ay siyang rekwerdo Ama na nagpalaki ay huwaran sa mga pamilya
Labing isang taon inalipin ng pag-ibig At sa kanyang pagbalik panibagong bukang-liwayway sa marahas na buhay ay tumingkad Ganap ng abogado - Reyna ng kanyang pangarap ang binibini
Nang sinadya na dumaan sa kanyang bakuran Nakita sa bintana, isang manliligaw kasama ang buong angkan Hinayaan ang pagmamahal na maghintay Datapawa't may mali sa natatanaw Hindi na masiyahin ang dilag