Saglit lang nakatulog nang naulinigan ang malakas na hilik Isa, dalawa, tatlo hanggang treinta na segundo na tahimik pagkatapos ay humagok Isa, dalawa, tatlo hanggang lampas sa isang minuto muli'y nadingig
Gustong bumangon mula sa pagka-kalahating gising at tulog Ngunit parang may pumipigil Mga braso't binti ay pinapatungan ng sampung presyon at hulugbigat Dalawang minuto na mahigit Mapayapa na sa abang-aba na sandali
Nang tuluyan na nagising ay humagibis para pukawin Walang hangin na sa ilong at bunganga niya'y lumalabas Hinanapan ng pulso habang tumatangis Kulay ube ang mga kuko, maputla ang kutis Ang birang na nalaglag sa loob ay isang papel
Hindi na ikinaumagahan, pintakasi ng lagim ay nagpahudyat Kukunin ang laluluwa bago ang bukas Nag-aagaw buhay na ama'y kailangan ng adya at di nagawa Ulo'y nalungayngay Sarili'y sinisisi
Buntunan ng sala ang kilos at gawa Kumukudlit-kudlit na ipinaparatang Kumakati-kati na ala-ala ay bumabagabag sa malabong konsensiya