Paano matataho ang kanyang damdamin Sino ang tinutukoy niyang minamahal Bakit niyakap bigla Malalim na ang gabi nang nagpaalam Tinutugis ng kalituhan
Isang dapit-hapon, habang naglalakad Isang ale ay humagulgol sa gilid ng kalsada Ngunit walang sinuman ang nakapuna Buong aparisyon nga ba
Sa bulaklak ng gumamela, dalawang paru-parong itim ay nakita na dumapo at lumipad nang sabay Sino kaya ang susunduin ng kamatayan
Sa pag-uwi ay kay bigat ng pakiramdam Sa mga salitang naisulat ay doon binuksan ang nakakakilabot na bangungot ng kadiwaan Ang mga nailimbag ay " Lupa't langit ay nakahanay Tila'y magkarugtong parang itong buhay"
Apat na oras na ang lumipas pagkatapos ng takipsilim Minamasdan ang ama na humihilik Hawak-hawak ang panyong itim Dinalaw na ng himig ng hele at napaidlip