Handa na ipagtanggol katumbas man itong sampung buhay Ang halaga'y higit pa sa inipon na mga koral sa karagatan Kung binastos kahit malinggit ay kikibo ang nanahimik na balasik
Hinintay humulaw ang bagyo at si Dessa ay sumakay bago umuwi ng bahay Lumusong sa baha sa baryo at ginunam-gunam ang sandaling yaon
Kung may oras sa pag-aaral gayun din sa paglilibang Ngunit ang kunting kalayawan ay naging hadlang upang makatanggap ng medalya ng karunungan
Hindi bakal at kawad ang pag-iisiip para di matukso sa mga bisyo Sa pagsusugal ay nalulong Hindi mahilig sa anumang pampalakasang laro Napasama sa kapatiran
Dumating ang mga araw ang alingawngaw ay umabot sa ama Nagpakalasing noong gabi bago naglabas ng mga hinaing Mga salita niya'y matutulis, umuulos sa laman