Sa tili ay nagulat Oras na bumangon Tumatagistis ang pawis Nagsusumikap sa ilalim ng buwan Nang sa taggutom ang sikmura'y di magtiis
Ilang linggo na ang lumipas at muli'y pasukan Di pagbabalik-skwela ang kinapapanabikan kundi ang hirang Ang makita na ngumiti, nagsisilundagan ang saya sa luksong-lubid
Sa kumikinang na dilaw - ginto Sa pinto ng silid-aralan Ang pangalan ay sa talaan Sumambulat sa harapan, magiliw na klase at kaibigan
Alas singko ng hapon, bumuhos ang ulan Sa hintayan ay sumilong at doon din ang paraluman Ang tatlong estudyante sa likod niya ay di alam
Nang isa ay hinipo ang makapal niyang buhok Tinawag na ang pangalan Sa tabi ay lumapit Ang winika ay baka mabasa ka ng mahalumigmig na habyog ng hangin Inaabangan pa rin ang mga binata sa kung ano pang balak na gawin