Nang makasabayan sa paglalakad, napatingin at napangiti Ang hubong sintido ay naghimok para mauna na pansinin Kapagkuwan ay kumaway sa kanya at lumapit
Simpleng nagpakilala bilang kamag-aral Talastas niya na isang taon nauna sa kanya Naging mausisa tungkol sa mga **** Naisagot lang ay baka at siguro kahit balot ng kainitan ng puso
Nang naghiwalay ay lalong nanabik Masigasig sa pag-aaral Nagrerepaso ng mga aralin sa bakasyon Isinabay din sa mga pagpupuri sa dikit ng gabi
Sa kulay abo na panaginip ay lumaboy Maraming kumpul-kumpol ng mga orkidya at iba pang bulaklak Matao sa merkado subalit nakakabingi ang katahimikan Sa paglilibot, naging lila ang nasaging kagamitan
Tumayo sa katre na pinaghihigaan Kahit wala pa sa ulirat parang nasa alapaap Umaangat kahit walang pakpak Nagbubunying pakiramdam sa taas