Pusong bingi'y naaantig ng awit Ganun pala sa unang pagsinta Sa sombra niya'y laging nakabuntot Paglumingon ay siyang paglinga-linga sa paligid Ni ayaw mahalata kung saka-sakaling mapansin
Hindi malaya sa demokratikong bansa Alila ng iniibig na panauhin Ano nga ba, di alam ang gagawin Sa pagpikit ng mata, mukha niya'y nagniningning
Sa pantasya'y nahuhumaling kahit naΒ Β gising, lumulutang sa hangin Kaya ganun na lang sa pagsasalamin sa mga nangyari - medyo pagmamalabis
Hinabol ang bawat galaw Sa utak ay walang hinto na sumasayaw Disente sa pananamit Mayumi kahit sa anong bihis
Di man lubos nililimi ang mga katangian at ugali Pabayaan pagkat mapagkumbaba Hahamakin ang lahat Dahil ang dibdib ay lumilingas