Sinikap mag-aral, nilakad ang paaralan Upang may grado na ipapakita sa ama na siyang ipagmamayabang Nagtapos sa elementarya na kabilang sa mataas na seksyon -Hinay -hinay inakyat ang tagdan ng dunong
Sa paaralang sekondarya ay namayagpag Sa pangkat ng namumukadkad na bulaklak - Waling-waling na mahalimuyak Nakinig sa ikalawang magulang at nadagdagan ang kapurit na katalinuhan
Sa taong dalawang libo't walo ay masyadong seryoso Puno ng mga tala ang mga kwaderno Di man pala - kaibigan, Kaklase sa nakaraan ay natatandaan
Sa ikalawang taon sa sekondarya na edukasyon Agila naman ang kinabibilangan Mandaragit at salinlahi ng pambansang ibon Malapad na balawis, sa pagkumpay sa dagat ay dumadaluyong
Walang kamuwang-muwang nang nahagip ng pag-ibig sa isang tingin Kung kailan nag-umpisa sa paggawa ng tula Dahil ba kay Dessa o di kaya talento na Kanyang biniyaya