Binagtas ang rumaragasang ilog Tubig sa leeg ay lampas Sa lusak pa rin sumayad ang talampakan kahit nagsitaasan na parang alon -makupad nang umahon
Naaninag sa tumok ng kugon ang kweba Doon nagpasyang humimpil Di muna bumalik ng tahanan dahil ang sidhi ay di masupil, ang sakit ay di matigil
Sa kapanlawan ay tumambad sa isip ang pamana ng itay na parati sa lukbutan- isang papel Nakasulat ang iba't ibang matalinhagang pangkukulam di maka-Diyos, maaaring di maka-totohanan
Paano kung sisimulan sa katapusan Masaliwa ang lahat na nagdaan Kung makukuha ang pintuho ng paraluman na siyang puno't dulo ng napapariwarang pag-iibigan ay doon lamang magkaroon ng tiwasay
Bago ang kulam Gustong isiwalat ang talambuhay para lalo watasan Sa bawat pahina'y mapa timbang-timbang kung sino ang ihuhukom sa hangganan