Umulan ng mga talulot sa simbahan May palakpakan, palirit Sapagkat pumunta sa kasiyahan Daig pa ang fiesta at bagong taon sa lakas ng bulyawan
Katabi ng lalaki ang mahal Puro halakhak at wala nang pag ngiti Sa mga ka-nayon na bumabati Inuman maghapon sa magarbong pagdiriwang Paanyaya na natanggap na siyang pinaunlakan
Bago matapos ang selebrasyon ay lumapit sa asawa ng maharlika Ang pagbati ay ibinulong sabay nakaw-halik sa pisngi niya Tumalikod at di lumingon Bigla na lang pumatak ang mga luha
Sa itinanim na pagsinta, ang naani'y pagdurusa Sapat na ang hilahil upang magpatiwakal Sapagkat di matanggap-tanggap ang pag-iisang dibdib Tibok ng puso'y lumikat
Lumakad nang papalayo Kahit mga paa'y mabigat iangat Nanginig nang lumisan Dumanas ng kulimlim ng pag-ibig Nag-iisa sa CariΓ±osa sa putikan