Sa siglaw ng pagkapanaw ay lumamlam ang ilaw Sa dibisyon ng dalawang kaharian ay ang larawan na inalis sa pananaw na pumitlag-pitlag
Mas malamig pa sa yelo ang istorya kung dadamdamin ang ipinapalitaw Ang dulo ng kidlat na ipinukol ng langit ay gumawa ng sugat na dahilan ng antak
Ang mala-tanso niyang buhok paano kakalawangin Gumaganap ang pag-ibig nang palihim Darangin sa apoy ng katotohanan sa pagsisinungaling- nang hindi pagsabi na talagang umiibig
Nahimlay sa kamposanto Di malikmata ang natatanaw na santilmo na umaalab Tanglaw sa salamisim na siyang nagrereplek-balik
Ang dyamanteng hikaw ay pawang tala ikinabit sa kanyang tainga Kariktan ay lalong nadadagdagan Bumuyo para magnakaw ng halik