Lulan ng balangay ang pumpon ng bulaklak Ibibigay sa kanya Sadyang dinamihan para hindi kaya tumangan ang lahat Lohika ng pag-iirog ay malayo sa ekwasyon
Maaliwalas ang alapaap Minsan ay mapupuna na nababalisa sa ibaba Ito'y taytay sa mahiang dako at sa malungkot na pandanggo
Sinaunang tradisyon ng itong bayan Ang alay ay dote at paninilbihan Upang ipakita ang sinseridad Kahit di man paakyatin ng hagdan, magnilay-nilay sana sa durungawan
Ang pagsinta ay naiiba Sa karurukan ng adhika ay yari Ang nanunuksong salamangka para sa tataw ay iwawaksi Di kayang magdesisyon sa tudlaan ng palaso
Ruta na mula Silangan pakanluran Napapagod na ang loro Lumubog na ang balintataw dahil sa pinalaya ang pag-ibig Naging manhid sa aktwal na dula Ang pagganap ay isang pagpapahirap