Ang maputing blusa ay nakakasilaw Dating mag-aaral sa paaralan ngayon reyna na ng kanyang natupad na pangarap Lumaki na ang agwat ng katayuan Distansiya na di malagpasan
Subukan bang habulin Kung gaano kalaki ang kagustuhan ganun din ang siyang kabiguan Sa lagaslaw ng tubig sa alon Ang payak na pamumuhay sa gitna ng daluyong
Sa araw ng mga puso ay walang aaminin Ang pag-irog ay hindi mabubunyag Karugtong ng kwento ay maging nalilingid na alamat Iniukol sa kanya ang kalatas
Suungin ang daloy ng ilog Pilansik sa balat ay parang asido sa dugo na tinutunaw ang puso Sa lalim ay malulunod, sa babaw ay ang hininga malalagot
Suwail sa kalangitan Kung ito'y nakatadhana at ang mga yapak ay nabilang Sana'y maunawaan ang inaasal Sampung hakbang ang layo sa kanyang likuran