sa gabi ito nararamdaman ko ang lamig kung saan ang katawan ko ay nanginginig ang gabi na bilang lang ang natatamaan ng liwanag ng buwan sa daan
nag lakad ako sa dilim para magpahangin at mag isip isip ng mga bagay na gumugulo at sumasagi sa utak ko ito ba mga bituin tinitingala ko ay totoo bang tinutupad ang hiling ng mga tao?
o isa lang silang bagay na palamuti sa itaas ng kalawakan para maging matingkad ang mga gabi at mag bigay ng kislap sa itaas ng kalangitan para matawag itong maganda
minsan naniwala ako sa kasabihan kapag nakita mo ito sa kalangitan kung saan ang pakiramdam mo ay hindi mo maintindihan. subukan mo ibulong sa bituin
at pagkatapos sabihin mo dito ang mga gusto **** mag bago sa sitwasyon na naaayon sa kagustuhan mo at ibibigay at magkakatotoo
sinubukan ko gawin ito ng mataimtim. sinabi ko na lahat ng aking hinanakit at sakit ibinulong ko ito sa mga bituin na may kasama pang luha baka sakali sakin ay maawa
hiniling ko na sana ay bumalik ka. yakapin ako muli at hindi kana aalis pa hahawakan ang aking kamay at sasabihin sakin hindi mo kaya hiniling ko rin na sana sabihin **** mayroon tayo pa
ilang gabi pa ang mga dumaan sinubukan ko mag lakad lakad sa madilim na daan at mag isip kung saan na ba napunta ang mga hiniling
kung ito ba'y pagpapalain sakin o ito ba ay mababaliwala at mag lalaho lang din ng bula kasama ng mga hiling ko kung babalik ka pa ba
napag tanto ko kaya hindi sinang ayunan ang aking mga hiling ay parehas tayong humiling sa bagay na ginusto na mangyari para satin
ikaw na gusto **** bumalik sya at mahalin ka ulit ikaw na pinapangarap sya ikaw na sana hindi na ulit kayo maghihiwalay pa
at ako na umaasa babalik kapa ako na nag hihintay at umaasa ako na humihiling pa ng pangalawang pagkatataon para mahalin. ako na sana ay piliin mo rin.
nabaliwala ang lahat ng hiniling para sa ating dalawa. naisip ko na hindi naman natin kailangan ang mga bituin na to para hilingin ng mga bagay na gusto natin
dahil tayo ang mga bituin sumabog sa kalangitan pagkatapos ng ating mga hiling para sa atin ay magpapasaya
tayo ang mga bituin tutupad sa gusto natin mabago ang lahat tayo ang mga bituin noon ay nag ningning at nag sama pero mali ang tinalikdang daan
tayo ang mga nawalang bituin sa kalangitan at pinag tagpo ng kapalaran at pagkakataon para hilingin sa bawat isa pero iba ang gustong makasama.
tayo ang mga bituin na yon tayo ang mga bituin nag ningning noon tayo yon tayo ang bituin na yon.