Ang pasan na krus ay simbolo ng walang humpay na pagmamalupit Nang naipako sa kahoy, sa timog dumaloy ang aurora Nagsilaglagan ang mataas na densidad na luha
Nalusaw na esperansa ay hindi madadampot Nakakawala sa palad kung kuyumin Inipon ang likido na tumilamsik Sa bahay ay alumpihit
Sino magsasagip kung patay na Ang kalansay ay huwag na galawin Aabot sa kabanata na malansag maging ang luningning at tumihaya sa burol ng pagrayos
Ang siwang ng kahon ay singawan ng hinga Nalumbay ang pipit sa lilim ng Balete Nahira sa musika na inawit Hiningi na sumakabilang buhay na
Inakala na may kasagutan sa mga tanong Sa kwentong ito ipinapakilala ang pag-ibig sa isang tao Ibubunyag ng kwento ang walang paalam na pag-iwan Layas na bulalakaw ay panhiling na bituin