Hello PoetryVoting

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Vote

Voting-Boards

Home

HomeFollowingInboxNotifications

Read

ReadLiftedFeedsListsHeartedHistoryMy WritingNew poem

Explore

ExploreOrbitsWordsTagsClassics
Log in
0
Stars
0
Embers
0
Alerts
0
Inbox

Ang Buhay sa Takipsilim #29

by haringibon

Dapat mahigitan ang bilis ng segundo Matarok ang hangganan ng langit Upang matalos sa dapithapon ang pagkukulang Sa susunod na pagsikat ng araw ay matiyak ang kapalaran Itatwa ang pagkabuhay sa mundo Ang awra ay nagpaalam sa hilagyo Sawimpalad sa kinabukasan Ang natitirang mga yapak ay hindi na nakagambala sa pagtulog Magparaya, hayaan ang Amihan bumitbit ng kalahating puso na sabik sa pagmamahal na di kayang ibigay ng dalaga Mayroong kislap ng liwanag, agiw sa sulok- nag-iisa Yakapin ang talim ng punyal Kay sarap masaktan, sa peligro humantong kaysa malayang namumuhay Ano ang kahalagahan ng buhay Ang obalo na hubog ay binabaybay Pakawalan ang ibon na nasa hawla Huwag na umasa na babalik pa Kalapati ay lumipad papunta sa lugar ng kapanganakan ng agaw-liwanag
Request permission to use this poem
h
Written by
haringibon
23 / M / Antique
For You?
h
Written by
haringibon
23 / M / Antique
Published
Dec 26, 2018
Time
2m
Permission

Request to use this poem

Tell haringibon how you would like to use it. We review requests before forwarding them.

AboutBlogSupportFAQPrivacyTermsContact
© 2009-2026 Hello Poetry/v27.0 [production] by @eliotyork
Explore
Hello PoetryVoting
Write