Ibabaon sa limot ang inaasam Sa pagpikit ng mata'y di mapakali Ang malikot na lagyo dumikit sa kumot na pantabon Nahihiya na makita na duguan Alisan sana ng pandamdam
Sa karsel masilip ang sulat Di maipalabas sa kinalalagyan Inekisan ang mga araw noong sa bilangguan Sona ng mag-uumpisang kalbaryo Nakiusap na madala ng hangin
Ang Antigong pag-ibig ay kumukurap Madudulas ang babaeng di marunong makiramdam Matisod nang kanyang malaman Naaagnas nang labing-isang taon, Maghihintay hanggang sa malagutan
Ibahin ang pananaw sa sanlibutan Mga bagay na nakakasiya ay ito rin ang sanhi ng paglagapak Hayaan ang oras na lumipas Maghintay sa uusbong na babala Bago dumating sa hantungan ay gumala
Kailan mailadlad ang dahilan ng pananangis Sa tuwing sumisipol, sumisingit ang rekyem Kung may siruhia't kapalit sa nabasag na pangarap ay madaling ngumiti kahit na kay pait