Ang panggagaway ay sinukat na plano Nadinig ang umanas na demonyo Marahil di itinadhana Patawarin sana ang kaluluwa na binahiran ng tintang itim
Nanawagan sa iba't-ibang uri ng engkanto Sila'y maging alipin Lumagablab ang raya Naupod parang sigaro ang katinuan Walang sumansala sa hangad
Lumapit naΒ Β ang liyag Tulala habang bumalisbis ang luha Dinukot ang puso niya't nilunok Mamamatay kung hindi maaangkin
Ang nag-udyok ay ang nilalaman ng diwa para tumahi ng isang hiraya Sapagkat di maipahayag nang harap harapan kaya ang hinanakit ang naghari sa gitna ng pagsinta
Pinalipad gaya ng saranggola Ang guryon ay mahigpit na tinalian Sa kalaunan, napugto ang sinulid Nakalaya sa pagkabigkis