Binura ang sinalungguhitang alyas Ang nag-alsa na biyas Ang kaya ay katamtaman na hulugbigat Dahil sumunong nang kapalaluan, tumiklop ang tuhod
Simulang pagtingin ay noong una na nabighani Nababaliw sa sinundang pag-ibig Sa mala-rosas na labi at mala-kristal niyang mata na may salamin
Umaapaw na giliw ay sa kanya nakalaan Kung sumandig man sa ataul ang katawan Mahukay sana ang pinipintuho - bigay ng kalangitan bago mamayapa
Kahit mali ang pangkukulam ay gagawin para manipulahin ang manika Mamangha sa mahika na taglay Ganun kung magmahal, kahit balakyut dapat ay tupdin
Kumuha ng ilang hibla ng kanyang buhok Tapos isinuksok sa bestida na kahapon niyang isinuot Ginupit at lumikha ng damit ng manika Sinambit ang inkantasyon ng pag-ibig