Ang awit ay sa mahal na **** inialay Ang pagbubuwis ng buhay Dahil sa Kanya natubos sa pagkakasala Kaya di na lilihis sa Kanyang pamamaraan, magpakailanman
Tinuya ang talunan sa pagbitiw sa laban Tinabas ng kahihiyan Wala ng kaibigan Ibinitin ng nakatadhana sa kamayhan Habang nakadipa nagsalita, tanggapin ang kabiguan
Kunin ang salik para kung mapukaw man ay mananatiling nulo Maraming aglahi humabi ng lampin Higaan ng peto angkin ang samut saring pintas
Ang huni ay haluyhoy ng ibon na nagsusumamo sa sanga Yumuko dahil sa nahinuha tungkol sa kaligiran na ginagalawan Ipinarinig ang kanta
Palawigin ang pag-inog Di malimitahan ng oras ang pagtamasa o ng dagsin sa pagtalon-talon Tila balahibong dinuyan ng hangin na umiilanglang hanggang sa magsawa