Kumalat ang silahis Aranya sa kublihan ng mga nasaktan nang labis Sa liblib na bukirin nakatira ang anak-pawis Ang tikap sa kapilya ay ang espasyo sa karimlan
Maringal ang alab sa dagat Animo'y mga hiyas sa pananaw Bermillong agwa ay nangingibabaw nang isinaboy ang mga pilak sa Pasipiko
Anupat may respirasyon nauudlot naman ang siklo Sa pagbabalik-tanaw ay sumiyok humahangos nang dumating sa koro Tugtugin ng patibulo Sa wakas, ilalagyan ng balsamo
Epidemya ng hapis kahit inosente ay pintasan Lumaylay nang mahilo Natangay ng takot at dumapa nang napasuko
Lumaho ang pagkakataon na sana'y makakapagpasya Kung alin ang dapat at tama Sa sulok ay nanahimik Umaasang mabawi ang panahon yaon Ngayon saan pupunta