Yakapin ang suliranin ng muling pakikibaka Bigat at layog ng bundok ay tiisin Sa tuktok ay maghiyaw nang pagka-alwan Sagot sa problema ay ang pangingibabaw sa bawat kapansanan
Buhawing humihigop ng munsing na pananalig Madalian na hinihingi ang kapasiyahan Sa pinto ng paglalayag Isang pagsubok ang malakas na sigwa
Sa paglisan ng araw sa kalangitan Sakripisyong di-maihahalintulad Saksi ang mga bakaw Tila pag-aasawa na nasa linya
Ang pagsasarili nito noong lumayo sa tahanan Isinuko ang lahat nang bumukod Sa pinangakuang liyag nakagapos Bumago ang ihip ng Amihang hinahapo
Meron kasal-kasalan Gantimpala ba ang matatanggap? Nauuri sa hunghang na ehemplo Sakim sa bagay na kinakaaliwan?