Marilag na kasuotan ay itakip sa pagkalamat para di mabigyan pansin, masundan ang lingas Mag-aani ng papuri ang mapagdamdam na muslak
Ang mga bakas ng kahapon ang pumipigil sa paghakbang Nakamtan man ang kaluwagan ay matagal pa rin bago nakapagpapasya Di magagawa ang pithaya
(KWENTO)
(Sa barangay, doble-doble ang bantay sa tarangka Masusubukan ang matalas na kampilan Matatalo ang sinumang dayuhan
Masinsin sa pagbabantay sa pook na magiging libingan Maalat ang komposisyon ng sipol Nakakarindi ang taghoy ng mga kalaban Nagdiriwang sa loob nang matapos ang digmaan
Ang datu at mandirigma ay iisa maging sa hangarin na tinagumpayan nila Kinokondena ang kaaway Ibibitin nang patiwarik Walang awa ang magsasalubong sa sentensiya
Mga bihag ay ipapasok sa kulungan araw-araw bibigyan ng kakanin Sa takdang oras sila'y bibitayin magiging palamuti sa poste ng bahay ng Datu)
Namangha sa kwentong bitbit Sa katunayan nagdibuho ng sitwasyong kathang-isip Sila'y hurado na hinuhusgahan din Binabatikos ang ugali Kinukurot ng imahe ng repleksyon